Sunday, October 16, 2005

Kabit

There's a riot in my head
Chaos in my soul
Pain in my heart
When I have to see her
With you.

Friday, October 14, 2005

24/7 Sun

Muntik ko na'ng ibato
Itong cellphone ko
Dahil hindi dumating
Ang message ko
Sa oras.
Dahil kanina pa pala
Ako hinihintay
Ng mahal ko sa kanto
At iniwan na niya ako.

Friday, October 07, 2005

Pinoy Big Brother

Ikaw lamang ang aking inuuwian
O Kuya ng buhay ko
Ako'y sobra'ng naaliw sa iyo
Dahil tinatanggal mo
Pagod at problema ko.

Maskara

Kahit saan magpunta
Ako ay nakamaskara
Upang itago ang tunay
Na tao sa ilalim nito

I'm Your No.1 Fan

Hindi ka isang Diyos
pero ikaw ay aking sinasamba
Hindi ka rin isang artista
pero ikaw ay aking iniidolo
Hindi kita amo
pero lubos ang serbisyo ko
Ngunit ang totoo
wala ka naman talagang kuwenta
Kaso nga mahal kita.

Friday, September 30, 2005

Ang Bato

Bato ka talaga
Dahil kahit anong gawin ko
Di mo maramdamang mahal kita.

Gin Pomelo

Masarap ang gin
kapag may pomelo
dahil tinatago ng tamis
ang pait ng alkohol
at di mo mamalayang
ikaw pala ay lasing na...
upang pansamantalang makalimutan
ang problema at sama ng loob
ngunit hindi nito mapipigilang
ang lihim na pag-ibig ay
mabunyag mismo sa iyo.

Tuesday, September 27, 2005

Webcam

Sa webcam mo nakita ang aking tunay na anyo...
Kaya pala kinabukasa'y offline ka na sa YM mo.

Sunday, September 11, 2005

Ang Raket at ang Headset

Kunwari ka pa
Nung hiniram mo ang raketa ko
Nung nag-badminton tayo...
Na minahal mo rin ako kahit paano.

At kunwari pa ako
Nung hiniram ko ang headset mo
Nung may kinausap ako...
Na pinilit ko'ng lumimot sa iyo.

Thursday, August 25, 2005

Ang Staple sa Pants

Mayroon kaya'ng nakakapansin
Ng ginagamit kong pantupi sa pantalon?
Na madalas ay ikninagagalit ni Mama
Dahil pati pagtatahi ay kinatatamaran ko pa-
At sa tuwing kailangan ko'ng pumorma
Ay hahanapin ang stapler
At ang pantalon ay muling mabubutas
Nitong staple sa umaga.